PTGWO STATEMENT TO DLTB INTERPLEADER CASE

Sa pagtatapos ng unang hearing ng DOLE Laguna Provincial Office sa Interpleader case na isinampa ng pamunuan ng DLTB Bus Co. sa nagtutnggaling unyon na PTGWO at AGLO, sinabi ni Atty. HERNAN G. NICDAO, PTGWO National Secretary, na nawa’y mabilis na magkaroon ng resolusyon ang issue.

Ang Interpleader ay isang kaso kung saan idunudulog ng kumpanya kung sino ang unyon na dapat ma recognize niyo. Sa punto ng PTGWO, hindi na kailangan ng Interpleader dahil malinaw na ang PTGWO at hindi ang AGLO ang lehitimo na unyon sa DLTB Bus Co. Subalit ito ang naging kasuduan noon sa NCMB upang hindi ituloy ang kanilang ilegal ns strike. Ang issue sa Notice of Strike ng AGLO ay tungkol sa pera o Union Dues ng mga manggagawa ng DLTB.

Upang isaalangalang ang mga mananakay at ang publiko, pumayag ang PTGWO sa pagsampa ng Interpleader. Gayunpaman, itunuloy pa din ng AGLO ang kanilang illegal na strike.

Ang PTGWO ay nanalo sa legal na eleksyon sa DLTB Co. noong April 2015. Ito ang  may CBA sa kumpanya. Nanggugulo lamang ang AGLO at ang ang issue ng inter union dispute, o kung sino ang dapat na marecognize na unyon ay hindi maaaring maging dahilan ng strike.

Nang magkasundo sa NCMB na magkaroon sa Interpleader case upang masolusyonan ang problema, biglang gumawa ng ibang issue ang AGLO upang i-justify and kanilang strike. Subalit walang kahit na anong dahilan ang maaaring gawin upang maging legal ang kanila strike. Lalo pa at ipinahinto na ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa kanilang Assumption of Jurisdiction Order.

Ngayong umandar na ang Interpleader case, lalo pang dapat itigil ng AGLO ang kanilang piket at patuloy na pananakot sa mga driver at konduktor ng kumpanya na karamihan ay kasapi sa PTGWO na nais lamang maghanapbuhay at ayaw sumali sa ilegal na strike. Sana ay madaliin ng DOLE ang resolusyon ng kasong ito. Higit sa lahat, sana ay respetuhin ng AGLO ang magiging resulta nito.

Please refer to Atty. Hernan Nicdao:
0917-857-2408
(02)374-0199

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *