AMA, KAIBIGAN, KAPATID, TAGAPAYO, AT LIDER  Mr. Victorino F. Balais“BOSS VIC”

Isang mahusay na ama, kaibigan, kapatid, tagapayo, at lider manggagagawa ang lumisan na sa ating mundo. Bagama’t sa kanyang paglisan, ang kanyang mga kontribusyon at nagawa para sa sektor ng kamanggagawaan ay hindi malilimutan at patuloy na ipaglalaban.

Sa nakalipas na halos 50 taon, halos kasabayan lamang ng pagkakabuo ng PTGWO ng nagsimulang maging lider manggagawa si Mr. Victorino F. Balais. Ang kanyang debosyon para tulungan ang mga maliliit na mangggawa ang siyang naging kanyang tuntungan para tumayo bilang isang lider manggaggawa. Ang kanyang pangalan bilang “Boss Vic” ay tumatak mula noon hanggang ngayon sa larangan ng unyunismo.

Si Mr.Balais ay ipinanganak noong Ika-2 ng Nobyembre 1936 sa bayan ng Laoag, Ilocos Norte at napangasawa si Ginang Evelina German Balais. Matapos ang ilang taon ng pagsasama, sila ay nabiyayaan ng dalawang anak na pawang mga propesyunal na sa kanya-kanyang laranangan.

Si Boss Vic ay nakapagtapos sa larangan ng Criminology, subalit ang kanyang adhikain at dedikasyon para i-angat ang antas ng kamanggagawaan ang siyang kanyan pinanghawakan sa halip na ipagpatuloy ang propesyon bilang alagad ng batas. Siya ay nagsimula bilang isang ordinaryong manggagawa at miyembro sa CMC Industry at kalaunan ay iniluklok ng kanyang mga kapwa kasapi sa samahan bilang taga-pangulo. Ang kanyang tikas, boses, at talino ang kanyang naging puhunan para igalang at irespeto ng bawat kasapi sa samahan. Makalipas ang ilang taong pamumuno sa lokal na unyon, si boss vic ay tumungo sa isang malawak na responsibilidad bilang organisador sa nasyunal na pamunuan ng Philippne Transport & General Workers Organization (PTGWO – 1974) at kalaunan ay naging National Treasurer ng PTGWO sa ilalim ni Mr. Andres Dinglasan. At noong 1997, si Mr. Victorino F. Balais ay naluklok bilang National President ng PTGWO. Pinamunuan niya ang nasyunal na samahan patungo sa isang makabago at matatag na samahan. Ang pagpapalawak at pagpapatatag ng PTGWO ang kanyang unang priyoridad kung kaya’t sa kasalukuyan, ang PTGWO ay mayroon nang humigit kumulang na 17,000 miyembro sa buong Pilipinas mula sa pormal at impormal na sektor.

Ang kanyang tagumpay sa buhay at pagiging unyunista ay tunay na maipagmamalaki. Siya ay naging Social Security System Commissioner noong 2002 hanggang 2010 at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)  Board of Trustee hanggang sa kasalukuyang taon 2013. Presidente ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), miyembro ng National  Tripartite Industry Peace Council (NTIPC) at Integrity Efficiency Board ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang kanyang pangalan ay tumatak na sa loob ng Pilipinas maging sa iba’t-ibang bansa na kanyang pinuntahan para i-representa ang sektor ng labor sa mga pandaigdigang diskusyon para sa proteksyon ng kamanggagawaan.

“Mahalaga na napag-uusapan ang mga problema upang lubusang makagawa ng tamang aksyon at desisyun na kung saan ay tunay na panalo ang manggagawang Pilipino”… Vic F. Balais, PTGWONational President

Para sa iyo “BOSS VIC” – isang mataas na pagpupugay at pagsaludo

ang nais naming ipabaon sa iyo.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *