PTGWO 19th Convention, pinagtibay ang pagpapalit ng pangalan ng pederasyon, mula sa Philippine Transport & General Workers Organization, tungo sa Philippine Trade & General Workers Organization.

FOR THE MEMBERS’ PLEASURE. Nagtatanong ang mga kasapi ng PTGWO sa industriya ng pagkain, inumin, bangko, serbisyo at entertainment—bakit daw sila nakasapi sa isang pederasyon ng “transport”, samantalang hindi naman sila empleyado sa industriya ng sasakyan? Nothing is permanent in this world, but change. Kaya, para sa kapayapaan ng kalooban ng ating kasapian, pinagtibay ng 19th Convention ng PTGWO na ginanap sa Sulu Riviera Hotel sa Quezon City, noong November 26, 2011 na palitan ang pangalan ng PTGWO. Changing the word “transport” to “trade”. Trade means the business done by companies. Kaya lahat ng empleyado ng mga nagne-negosyo, ano man ang negosyo, with the word “trade” in our new name, puwedeng maging kasapi ng PTGWO. Sa kaso naman ng mga informal sectors, sila ay puwede rin, under the word “general” in our name.

PASKO NA. Merry Christmas. 2,044 years na ang nakalipas mula ng isilang si Jesus Christ. Maraming kuwento kung paano at bakit ipinagdiriwang ang pasko. May mga tanong—totoo ba na December 25 ipinanganak si Jesus Christ?

Ano man ang kuwento, ang mahalaga ay dumating sa atin si Jesus Christ. Sabi ng Bibliya, ang sakripisyo ni Jesus Christ nang itigis ang kaniyang dugo sa lupa ng mundong ito ay ang katubusan natin mula sa walang kapatawarang kasalanan na ipinamana sa atin nina Eva at Adan. Samantalahin natin. Hindi natin maiwasan ang magkasala, pero dahil binigyan tayo ng pribeleheyong magsisi at mapatawad. Let’s do it. Pagsisihan natin ang ating mga kasalanan at huwag nang ulitin.

PTGWO CONVENTION. Matagumpay na naidaos ang 19th convention ng PTGWO noong November 26, 2011 sa Sulu Reviera Hotel sa Quezon City. Humigit kumulang 500-delegado at mga panauhin ng PTGWO ang dumalo.

Napagtibay ng Convention ang mga napapanahong amendments sa Saligang Batas nito. Ang pagpapalit ng pangalan ng PTGWO. Ang pag-aalis ng posisyong 2nd Executive Vice President. Ang pagiging halal ng National Secretary at ang pagbuo ng PTGWO Council of Industry Vice Presidents. Matagumpay din na naitalaga ang 2011-2016 Executive Officers ng PTGWO. Website ng PTGWO, nailunsad din.

Ang may responsibilidad sa pangkalahatang pamamahala sa pederasyon ay ang Executive Board. Samantalang ang Council of Industry Vice President, ay sa kani-kaniyang monitoring and organizing sa kani-kanilang pinamumunuang industriya, gayundin sa pagresolba sa mga kritikal na isyung ire-refer sa kanila ng Executive Board.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *